Ikaw ga'y batanggenyo? Basahin mo nga are kung maiintindihan mo...

Dine sa Tuklong ay may puno ng kape na arugang-aruga pa ng Mamay. Sadyang pinapugadan sa hantik na guyam at pinabantayan sa bilot. Naulutang ngatain ng Mamay ang bubot na parang sinturis. Pasal na pasal. Nang bigla na lang siyang napaumis, humirindat at tuluyan ng nabang-aw. Bigla na lang nagpatikar, lumiban ng karsada kahit naambon naglulupagi sa gabokan kaya puro libag, tubal na tubal, talipa ang sipit at gura.

Napadpad ang Mamay sa masukal na balinghuyan at doon naulutang gamitin ang kawot para garutihin ang mga bangkalang. Pero liyo at parang barik na barik pa rin ang Mamay kaya naghamon pa ng panumbi. Wala namang kumana kaya pagerper na lang ang napagdiskitahan. Pagkatapos ng barokbokan, lungkuyin at hapong-hapo ang Mamay. Naging matalute ang usapan sa bayaran dahil mulay lang gustong ibayad ng Mamay. Nagkaribok na, nagwasang ang pagerper at tinangkab ang Mamay. Nagligalig ang Mamay dahil sa marami daw kato, amoy hawot at makati pa sa iladong tulingan. Dapat kitse lang daw ang bayad. Sa pagkabanas ay napaingles ang Mamay "I'm entitled for senior citizen discount". Wala kang galang sa matanda, dapat kang ipabarangay. Siguro hindi ka taga Batangas ano? Naglabas na ng balisong ang Mamay. Oops……awat na.

Ala-ey, nakuha mo baga?

6 comments

  1. BURAOT  

    July 31, 2008 at 11:15 PM

    ala naman ang mamay.... kulang laang yan sa garote. pati naman ang pagerper.. wahahahah!

  2. Anonymous  

    November 11, 2008 at 1:21 AM

    …Ay ka-galing nga naman ng iyong mamay. Nakakabarukbok pa sa pagerper.
    Ay ang aking Mamay tinuturukan pa rin yata. Nang huli nga ay noong mapanoor ang nagbabab-anang kambing sa patuto ng aming maunting linang. Kamukat-mukat mo’y yag-yag pauwi, sinimbar ang giliran sa may ulbo at s’ya raw ay hahambo sa bal-on. Nang makita ko uli’y bisteng-biste na; long sleeves kahit mabanas. Pupulong daw kay Ka Didang Balo. Sumalta pa sa niyog, magmumura, ireregalo raw.

    Kaya laang eh nang nasa balisbisan nina Ka Didang, nabalatas si Mamay ng asong panay ang takin sa may kayonito. Ala eh, di balik sa bahay, binunot ang sinampalok, kanya raw lalaparin. Kako nama’y h’wag na ninyong asbaran, taganas nang gay-on ang asong may bilot. Hagisan n’yo na laang ng putong tukil o kaya’y pakumbo na patago ni taking. Ay si taking nama’y ayaw mamigay kahit patago’y puro na apanas, ka-sindeng naman…

  3. Anonymous  

  4. Anonymous  

    April 19, 2009 at 1:01 PM

    anu ga iyan...kasisinsay dine sa pagbabakasyunan ay nkita ire...
    nakakatuwa ga na may babasahin palang ganire.
    kapag nga makakahunta ko ang mga taga Ibaan ay masabi ire at matuwa din.....

    si mamay baga ay buhay pa?!? ang aking mamay ay mahigit 2 taon nang nakahimlay, kung buhay pa iyon ay madami din kwento, lalo na nuong panahon ng gyera....

  5. Anonymous  

    July 1, 2010 at 4:17 AM

    Kwento ng Batang Pangkal:
    Ang batang masimor ay laging pasal, maarimuhanan, ang bahaw na kanin ay laging binubungkal,walang kabubusugan,kahit ang ulam ay hawot laang…pero sobra namang pangkal,di ma –ingli at mapuknat sa upuan kapag sinusugo, ang katwiran eh. “Di baling pangkal di naman pagud”.Minsan isang araw ay nag saing ng tulingan ang KAKA…yun gang ang-ang ang luto at gato na ang tinik…Eh di si pangkal ay naruon at biglang sulpot, sanghor na sanghor ang amoy….aali -aligid .nakasalibuyboy at naka bakay sa grasya….pamaya ay umuwi sa kanila at humipig, ay napasarap ang buog, ang lakas pa ng harok..Nang ma-reparo ay tapos na ang tanghalian sa mga KAKA…ey di sikamor na ng takbo, doon pa nagdaan sa patuto ,pinaldak ang linang ng mamay,dala ang sulyaw at hihingi ng sinaing…
    Anla ay naubusan…dumating dine ay mulagang mulaga ang busilig at puro hanggor ang salawal. Ng sabihin ng Kaka na “Ala ey napaingo ang pangkal” ay mimiha –mihang umalis,naka kalpot agad eh , ng madaanan ang bilot ay binanatan ng tadyak ng sutil na bata , ay dagaab na sa tyan eh…are namang bilot ay iririkit na pumatikar at kang kang sa sakit…
    Nasiglawan ng mamay…nakahagip ng lanubo at napag-aspike ng garute….ay di palahaw at atugak na ng iyak at nag ngu-ngoyngoy na umuwi(buti at ang nahagip ng mamay ay lanubo.ay kung yung pamupoy na pambakod..ay sya.. may kalalagyan ang apong sutil) Pag dating ng basaysay ay nag sabi sa ina… anla.. ay anugang nang yari ,lalo ng nadali , napingot na ay natangkab pa ..lagitik na eh…muntik ng mag-sungaba .hayan ang napapala ng batang pangkal…Namutaktakan nyo Ga?

  6. Anonymous  

    July 1, 2010 at 4:18 AM

Batangas Dictionary