(picture from www.humanflowerproject.com)

Itinuturing na buwan ng mga bulaklak ang buwan ng Mayo. Siguro dahil tag init ito at maraming halaman ang namumulaklak. Sa aming baranggay, masaya ang mga tao lalo na ang mga bata pagka ganitong buwan dahil dito ginaganap ang Santacruzan o Flores de Mayo.

Sa buong buwan, may pagtitipon na ginaganap gabigabi sa isang maliit na kapelya na kung tawagin sa amin eh “tuklong”. Bakasyon ng mga estudyante kaya malaya silang nakakagala kahit gabi. Bago pa man sumapit ang Mayo, abala na ang mga taga tuklong para magbahay bahay at kumuha ng mga taong gustong magpa-alay sa loob ng buwan ng Mayo. Gabi gabi ginagawa ang pag-aalay ng bulaklak sa mahal na birhen. Ang isang pag-aalay ay binubuo ng tatlong pangunahing karakter, ang may alay at ang dalawa nitong kasama na kung tawagin ay pakpak. Nakaupo sila sa harap ng altar na nasa unahan ang may alay habang nasa likod ang mga pakpak. Ang mga bisita naman eh nakaupo o nakatayo sa likuran. Pag-aalay ng kandila, bulaklak, awitan at panalangin ang nagaganap sa buong okasyon.

Sa katapusan ng Mayo naman magaganap ang pinaka hihintay ng lahat na parada ng Santacruzan. Halos lahat ng mga nag alay sa buwan ng Mayo ay sumasama sa parada. Pinangungunahan sila ng isang Reyna Elena kasama ang kanyang Constantino.

Sinisimbulo ng okasyong ito ang paghahanap ni Reyna Elena ng Banal na Krus noong unang panahon. Matapos nilang matagpuan ito sa Jerusalem ay dinala nila ito sa Rome. Nagkaroon ng magarbong selebrasyon ang mga katoliko na ginugunita pa hanggang ngayon dahil dito.

1 comments

  1. Leo  

    May 16, 2008 at 1:35 AM

    it really reminds me of those days when we are doing the ALAY. as a kid back then, i want to attend everyday because of free foods after the celebration.....heehheh


Batangas Dictionary