Nakatikim na ga kayo ng sibatsi? Masarap ito gulayin at isa ito sa mga paborito ng mga Batanggenyo. Madali kasi itong patubuin kahit sa tabing bahay laang at madaling lutuin. Samahan pa ng gulay gaya ng kibal, kadyos, gabi, kalabasa....ala ay diga'y bulanglang na.

15 comments

  1. http://www.prettystepdaughters.blogspot.com  

    November 18, 2008 at 11:03 PM

    hello po..

    i'm from punta fuego, nasugbu..

    dine po sa amin ay bulay ang tawag diyan eh. paboritong ilahok ng mamay sa bulanglang. ako naman ay dine n lumaki sa amin ay bakit ga ng mabasa ko ang iyong blog ay para akong dayo sa batangas..

    add po kita sa blogroll ko..

    salamat po..

  2. batanggenyo  

    November 19, 2008 at 2:10 AM

    naku gay-on ga, hindi ko alam na ang sibatsi pala ay iba ang tawag sa inyo, kala ko'y sa buong batangas na iyon. ay sya aking aayusin ang pangalan ng makilala nyo ng husto. taga lipa nga pala ako. nice meeting you here.

  3. Anonymous  

    November 24, 2008 at 12:52 AM

    Ako po ay laking San Roque, Sto Tomas.... Sa amin noong una, mayron kaming isang variety ng sibatsi. kulay green. marapa ding igisa kasama ng sotanghon o miswa, kung minsan may kasamang patola... ipagtanong nyo duon sa amin.

  4. Richard Macalintal  

    November 24, 2008 at 3:34 AM

    oo nga eh, lasa ko ga'y mali ang picture na na ipost ko. ang alam ko ring sibatsi ay green laang tapos yong pula ay iba na ang tawag. yaan mo't pag uwi ko'y tatanungin ko ang aking mamay kung ano ang tawag sa pulang sibatsi.

  5. Anonymous  

    April 7, 2009 at 10:08 AM

    ala'y sibatsi nga ung nasa taas na kulay green, marami kasi klase ang sibatsi."titinggi" na sibatsi yan sa amin. (sa lobo) meron pang sibatsing mabango ung medyo violet ung kulay ng buto. ung nasa baba ay bulay nga (batao/bataw sa bahay kubo).

  6. Anonymous  

    April 27, 2009 at 2:28 AM

    kamusta sa lahat...
    Masarap talaga ang bulanglang lalo na kapay may kasabay na sinaing na tambakol. Ang sibatsi ay medyo mapait ng konti, pero ang Patani ay masarap talaga lalo na at hugas bigas ang ipangsasabaw.
    Bataw ang tawag sa amin sa larawang nasa baba.

    Salamat.

  7. Anonymous  

    October 3, 2009 at 9:58 PM

    ala eh lasi ko'y naglahok lahok na! yong green, sibatsi ang tawag. Yong nasa baba, yon ang salay. Normally, yong salay ay ginugulay kapag mura (bata) pa, kasam yong balat nya.

  8. Anonymous  

    January 13, 2010 at 12:36 AM

    kamusta mga kababayan? Ako'y ngangay-on nakasilip sa site na are. Ako'y natutuwa at may ganareng website tungkol sa Batangas. Ako'y taga Sto.Tomas. Yung sibatsi sa amin naman ang tawag ay perhules. Medyo mapait nga ng kaunte ang lasa.

    Saludo ako sa gumawa ng site na ito. Mahusay.

  9. Anonymous  

    February 11, 2010 at 7:45 AM

    nde naman yan sibatsi eh utaw yata yan eh mga kababayan ko eh doon sa amin sa taal ay utaw yan nilalaga lang tpos nilalamon na

  10. Anonymous  

    August 3, 2010 at 10:11 PM

    ay,naku na mimiss ka na yang ganyan mga feash na gulay ,,wala nyan dito sa america..dati ako dyan nakatira sa san jose batangas,tatay ko lagi yan and tinatanim at marami pang ibaibang gulay,kaya sana isang araw pag umuwi ako dyan yan ang hahanapin kong kainin..

  11. Anonymous  

    December 1, 2010 at 10:47 PM

    hi, batanggenyong online. ang ganda ng site mo, andaming mapupulot. :]

    sebatsi nga ang nasa itaas. medyo mapait nga ito at di sing-sarap ng patani. pero madalas nga ring gulayin ito ng mga tagalog.

    ang nasa baba naman sa kaliwa, 'yong pinkish ang rim, ay bataw.

    yong mukhang patani na purple ang seeds, di ko na alam, he, he...

    makikihiram/pakopya isang araw ng pic mo ng sebatsi, pls. may isusulat kasi akong blog re: balag and gulay na gumagapang.

    should it interest you, you may visit my blog at wordpress.com, called doon po sa amin. just go to google website and type, pag-iigib ng tubig. una sa links na lalabas ang site.

    salamat and more power sa site mo.

  12. Anonymous  

    April 7, 2011 at 2:32 AM

    hellow po.. ako naman po ay taga sta. cruz, sto tomas, batangas na kung tawagin ang baryo namin ay "sulok".. masarap talaga ang sibatsi, kapamilya eto ng patani.. iba iba talaga ang kulay, may berde at ube at maiitim pa...basta iisa ang lasa, masarap.. salamat po dito marami kaming napululot...sana madagdagan p katulad ng mga resort na bago ngayon sa buong batangas, sa mga nayon meron na ding mga resorts..

  13. order custom essay  

    November 5, 2011 at 4:34 AM

    I think you've got a splendid site here, so much truely useful information!

  14. custom written essays online  

    January 16, 2012 at 5:54 AM

    I am size San Roque, Sto Tomas .... Let us at first, have a variety of mayron sibatsi. color green.

  15. Boleems  

    December 12, 2016 at 2:54 PM

    Kung hindi ako nagkakamali, di ga't ang sibatsi ay patani - ako'y pinanganak at laki sa Lipa. Isa ito sa paborito naming gulay na nilalahukan ng talbos ng kamote sa hugas sinaing na may sibuyas at kamatis at bawang . Buong taon ito kung bumnga na nakatanim sa patoto ng aming bahay.


Batangas Dictionary