For some, they call this "suman" but we batangenyo's call this "tamalis". In appearance, tamalis looks rectangular in shape and packed in pair. For the taste, tamalis require the special sauce to enjoy its true taste. This is one of the local delicacy that batanggenyo's are proud of. They are easily available inside the market, usually near the suman vendor.

18 comments

  1. reyna elena  

    November 1, 2008 at 11:03 AM

    ay leche!!! grrr! makatakbo nga sa filipino store baka meron nito! hahahaaha!

  2. Richard Macalintal  

    November 1, 2008 at 5:08 PM

    sige mahal na reyna....bakasyon ka po muna para mabawasan ng konti ang inyong kaban ng yaman..hahahaah

  3. Berryblitz  

    November 6, 2008 at 8:09 AM

    i miss suman!!! isang taon na ren ata akong hindi nakakatikim ng suman

  4. Vhonne  

    November 6, 2008 at 12:57 PM

    awts... dine lang ako sa lipa... pero matagal-tagal na din akong hindi nakakatikim ng tamalis... ung lola ko kc ang gumagawa dito dati... kaso... un.. lumipad siya at nangibang-bayan... kaya bihira na makakain nyan... ehehe

  5. Anonymous  

    November 19, 2008 at 8:53 PM

    Pasensya na kabayan.... tamalis ba yun...

    Parang suman sa lihiya...ang niluluto natin pag undas..(nov 1)


    ang alam ko ang tamales may karne sa loob... nagtatanong lang...


    is tamalaes = to suman sa lihiya?

    hindi yata...

    pasensya yang 'pre.....

  6. Richard Macalintal  

    November 20, 2008 at 3:57 AM

    sa amin ho ay tamalis ang tawag dito. walang lahok, kasi may kasama pa itong sauce. ang suman naman, bukod sa may tamis na, iba pa ang pagkakalagay sa dahon...hehehe

  7. Anonymous  

    June 10, 2009 at 10:16 PM

    sir, san po part kau ng batangas?kc po, mostly known po sa whole province na tamalis nga po ung may laman sa loob (katulad nung sinabi nung isan nating kabayan).

    yun nga pong sinasabi nyo at yung naka picture e suman sa lihiya.

    the town of ibaan is known for churning out awesome tasting tamalis, but it is available on wet markets all over the province of batangas.

    no disrespect sir, i just want to correct it. naniniwala naman po ako n wala naman masama sa sinulat nyo and in fact i am happy that somebody would write about it.

    again sir, no disrespect. thank you very much.

  8. Anonymous  

    September 16, 2009 at 1:22 AM

    Tamalis talaga ang tawag namin dyan sa Lipa. Walang lahok,yung sauce na brown sugar syrup (pakaskas ata yun) ang panglasa niyan.

  9. batanggenyo  

    September 16, 2009 at 10:14 PM

    ako po ay tubong LIPA. siguro nga iba-iba iba tayo ng tawag dito. pero sa amin po, tamalis talaga ang tawag dito at hindi suman... anyway, kung ano man itawag natin dito...pinagmamalaki ko na gawang batangas ito at one of the best!

  10. Anonymous  

    October 2, 2009 at 7:02 AM

    ay bakit di gay-an ang tmalis sa amin...ang tawag niyan sa amin ay suman magkaakap o kayay suman sa lihiya...ang tamales sa amin ay mer-ong palamang manok itlog, hamon, longganisang intsik at hipon at kulay atsueta na me lasang mani...sarap!!! iyan po ata ay suman sa lihiya yung may kalamay hati ang sarsa handa sa undras pamigay sa nangangaluluwa..un isa suman ay may gata un suman sa antala...me haba nuon at bilog depende sa balot hehhehe basta sarap tamales!!! nagawa kami nuon!!! anyway muka padin sya masarap! yum!

  11. Anonymous  

    March 30, 2010 at 12:08 AM

    whatever man ang tawag nyo dyan basta sa tunay na batangenyo TAMALES ang tawag namin sa malagkit na magkaakap. Kulang naman kse yun litrato eh. Dapat meron yan Higote (Sweet Syrup made of Sugar and coconut milk) at Burbor (desicated coconut na sinangkutsa) sa tabi. Masarap lalo ipareha sa kapeng Barako!

  12. Talute  

    May 5, 2010 at 1:12 AM

    Ay bakit ga naman ako'y ngay-on laang napasinsay dito sa kaka-inam na site na are?

    Ay makasabat laang, sa amin ga sa Taal ey ang Tamales eh binalot sa dahon ng saging na me kulay orange (gawa ng atsuete). Tas me lahok siyang itlog na maalat at karne. Ang tanda ko'y merong pa iyong kasamang nilabong mane. Ay kakasarap...

    Yung isa nama'y Suman sa lihiya. Kulay berde yung malagkit nun gawa ng sabaw ng nilagang pinatuyong dahon ng uray. Nilalagyan siya ng latik na me halong repinado. Minsan nama'y matam-is na bao ang ginagawang sawsawan nun para magkalasa.

  13. Anonymous  

    May 18, 2010 at 10:16 AM

    naku..tamales nga tawag samin diyan...i'm from taysan...malimit pangsabog yan sa kasal kasama ng suman at kalamay..biburburan ng latik o pwede na rin asukal pag walng latik...cguro iba - iba din ang variety ng tamales sa ibat-ibang parte ng batangas...

  14. Anonymous  

    July 9, 2010 at 9:17 PM

    san po pwede mag order ?
    suply po s hotel nmin. thank u. pls inform me asap... joie 09391355193 my ym alwaysZexi

  15. Anonymous  

    May 15, 2011 at 9:41 AM

    Hi. Im also from batangas. But however, we call that suman. Tamalis is a different thing. It has thin chicken strips and egg in it. It is in no way sweet.

  16. Liza  

    December 7, 2011 at 8:16 PM

    Hi! Taga Cuenca po ako at isa po Ito sa paborito kong kakanin with syrup and latik.... Just made some but nothing compares to the one we buy at the local market back home... Miss all the local foods esp Lomi and goto.

  17. triztan barte  

    November 1, 2015 at 2:03 AM

    Oo nga po.. yan po ay suman sa lihiya.. ang tamales po ay may laman sa loob.. sa batangas city at suman sa lihiya..

  18. triztan barte  

    November 1, 2015 at 2:06 AM

    Sa lipa po ata ay tamalis ang tawag pero ang alam ko po na tunay na tamales ay sa ibaan.. may laman sa loob na karne.. suman sa lihiya po tawag nyan samen eh..


Batangas Dictionary