Ang pagsasabong ng gagamba ay isa sa mga larong kinawiwilihan ng mga batang Batangenyo. Lalo na doon sa mga nakatira malayo sa syudad. Naaalala ko pa noon, pagpatak ng takipsilim, gumagala kami para manghuli lamang nito. Dito kasi sila lumalabas para gumawa ng bahay nila. Maganda rin maghanap nito kung umaga dahil buo pa ang mga sapot nila at kung minsan ay nasa gitna sila ng bahay nila. Sinusuyod namin noon ang mga kakahuyan, palayan, at pati na sa mga bodega at silid-imbakan upang manghuli ng mga gagamba, na inilalagay namin sa mga kahon ng posporo. Kung higit sa isang gagamba ang mahuhuli namin, kadalasan ay nilalagyan namin ng partisyon ang posporo na gawa sa dahon ng niyog upang mapaglalagyan ang kahon ng higit sa isang gagamba nang hindi nag-aaway ang mga ito. Kahit anong gagamba ay pwedeng pagsabungin. At kapag ang isang gagamba naman ay nasugatan sa laban, nilalagyan naman namin ito ng dahon ng bayabas sa loob ng posporo. Nakakatulong daw ito para madaling gumaling ang sugat nila.





Sa ngayon, dala ng mabilis na pagbabago ng teknolohiya, marahil ay nabago na rin ang gawi ng mga batang batanggenyo. Iilan na marahil ang nanghuhuli nito upang gawing laruan. Pero ano't anu pa man, masaya ako't nakaranas manghuli at magsabong ng gagamba.

10 comments

  1. Pinay WAHM  

    December 9, 2008 at 6:35 PM

    Ah...memories! Yan ang isa sa mga paboritong gawin ang aking mga kapatid na lalake...sabong ng gagamba. Ngayon yata di na gaanong naglalaro ang mga bata ng gagamba dahil sa computer at PS at kung ano ano pa.

    Namamasyal lang po.....

    Huliana

  2. Berryblitz  

    December 25, 2008 at 3:46 AM

    I hope my son would not play with spiders. I hate spiders. Mamamatay ako sa takot sa kanila!!!

  3. Anonymous  

    June 10, 2009 at 10:31 PM

    BOTOGS!!!!!!!!

    meron p din nglalaro nyan, kaso ang masama mga sir at mam e kpg nasamahan ng sugal.

    but if its in the spirit of fun, i see nothing wrong with it...

    unless you have arachnophobia, hehehe.

  4. Anonymous  

    March 4, 2010 at 11:40 PM

    yun nga thrill dun eh yung pustahan hahaha. Anyway masaya talga ang pagsasabong at pagaalaga ng gagamba. Naalala ko pa nga noong mga bata pa kami ni arman (pinsan ko) naghahanap kami ng gagambang sili kasi yun daw ang matapang hehehe...

    Nice post po...

  5. Anonymous  

    March 4, 2010 at 11:41 PM

    This comment has been removed by a blog administrator.
  6. jv vi  

    October 14, 2010 at 9:04 AM

    can I use 1 of your photos of spiders fighting for my project in filipino? thanks :D

    - jv v.

  7. batanggenyo  

    October 21, 2010 at 10:08 PM

    yes, you may do so.

  8. Anonymous  

    July 11, 2011 at 8:11 AM

    alam guys taga dito aq sa san jose batangas! 21 years old! inaamin ko hanggang ngaun naglalaro pa din aq ng gagamba! sometime umaabot ng 200 pcs ang gagamba ko! un lang! i loved this game!

  9. xeth  

    September 3, 2011 at 6:19 AM

    ako nga 30 yeas old na nag lalaro pa din hehehe

  10. Bloggg  

    February 21, 2013 at 8:25 AM

    Paturo nmn kung pano magalaga ng gagamba st magpalakas nito.. Naadik na rin ako eh kaso d ko alam kng pano pakainin at alagaan


Batangas Dictionary