Binigyang parangal ng pamahalang panlalawigan ang mga natatanging pamilyang Batangueno sa isinagawang 12th Awarding ceremony na may temang “Maka Diyos Maka Tao- Ugaling Batangueno sa Pamilya simulan mo” na handog ng Huwarang Pamilyang Batangueno Foundation Inc. noong ika- 24 ng Setyembre 2009.


Naging pangunahing panauhin sa okasyong ito si Batangas Acting Governor Mark Leviste at Msgr. Fred Madlangbayan kung saan binigyan nila ng papuri at parangal ang mga natatanging Pamilya Ipinaabot ng mga ito ang kanilang paghanga at papuri sa kanilang dedikasyon na maging buo at katangi tangi ang kanilang mga pamilya.

“Tunay na kayo ay kahanga hanga , sapagkat sa pagiging huwarang pamilya at pagtataguyod ng mabuting relasyon at gawi, naisulong nyo ang inyong pamilya sa kinalalagyan ninyo at hindi kayo tumitigil na maging kabahagi at kaparte ng pag papaunlad n gating kumunidad at lipunan”

Nahirang bilang mga “Huwarang pamilya ang Pamilya nina Ginoo at Ginang Crispulo Quiniquini ng Nasugbu Batangas na Tumangap ng Plake ng pagkilala at P12,000 piso. 1st runner up ang pamilya nina Adelaido Viaro ng Bayan ng Tuy. 2nd runner up ang pamilya nina Antonio M. Reyes ng Mataas na Kahoy, 3rd Runner up ang pamilya ni Macario Catral ng Batangas City at 4th Runner up ang pamilya ni G. Florencio Mandanas ng bayan ng Tingloy.

Kasama din sa nahirang bilang mga “municipal huwarang pamilyang Batangueno” winners sina G. Jaime Levita ng Lipa City at G.Epitatacio at Editha Canatuan ng bayan Padre Garcia

Naging basehan sa pagpili ng Huwarang Pamilyang Batangueno ang magandang pagtataguyod ng pamilya at naging mabuting ehemplo sa kanyang pamayanan. Ang pagpili ay pinangunahan ng Provincial Social Welfare and Development Office sa pamumuno ni Jocelyn Montalbo, katuwang ang Huwarang Pamilyang Batangueno Foundation. - Edwin V. Zabarte

source: www.batangas.gov.ph

3 comments

  1. Anonymous  

    October 13, 2009 at 8:47 PM

    ah baken gay-on? parang binyagan ang mga damit? me on pang mga abay hehehhe joke!

  2. Anonymous  

    August 31, 2010 at 2:34 PM

    Ka gara ga ng mga gayak! Hipir na hipir eh!

  3. Anonymous  

    October 15, 2010 at 6:39 AM

    aba'y talagang marilag...


Batangas Dictionary