Ang batang masimor ay laging pasal, maarimuhanan, ang bahaw na kanin ay laging binubungkal, walang kabubusugan,kahit ang ulam ay hawot laang…pero sobra namang pangkal,di ma –ingli at mapuknat sa upuan kapag sinusugo, ang katwiran eh. “Di baling pangkal di naman pagud”.

Minsan isang araw ay nag saing ng tulingan ang KAKA…yun gang ang-ang ang luto at gato na ang tinik…Eh di si pangkal ay naruon at biglang sulpot, sanghor na sanghor ang amoy….aali -aligid .nakasalibuyboy at naka bakay sa grasya….pamaya ay umuwi sa kanila at humipig, ay napasarap ang buog, ang lakas pa ng harok.. Nang ma-reparo ay tapos na ang tanghalian sa mga KAKA…ey di sikamor na ng takbo, doon pa nagdaan sa patuto, pinaldak ang linang ng mamay,dala ang sulyaw at hihingi ng sinaing…

Anla ay naubusan…dumating dine ay mulagang mulaga ang busilig at puro hanggor ang salawal. Ng sabihin ng Kaka na “Ala ey napaingo ang pangkal” ay mimiha –mihang umalis,naka kalpot agad eh , ng madaanan ang bilot ay binanatan ng tadyak ng sutil na bata , ay dagaab na sa tyan eh…are namang bilot ay iririkit na pumatikar at kang kang sa sakit…

Nasiglawan ng mamay…nakahagip ng lanubo at napag-aspike ng garute….ay di palahaw at atugak na ng iyak at nag ngu-ngoyngoy na umuwi(buti at ang nahagip ng mamay ay lanubo.ay kung yung pamupoy na pambakod..ay sya.. may kalalagyan ang apong sutil) Pag dating ng basaysay ay nag sabi sa ina… anla.. ay anugang nang yari ,lalo ng nadali , napingot na ay natangkab pa ..lagitik na eh…muntik ng mag-sungaba .hayan ang napapala ng batang pangkal…

Namutaktakan nyo Ga?

23 comments

  1. Doc C Eleda Pera  

    July 21, 2010 at 1:13 PM

    hahahahahah!! ay aus nga are eh ,, cno b gang nag gawa nareng istoryang are ,, ay aus n aus nga eh!! pagakagaling bagang mag batangueno ng kataga,, ay tunay nmng akoy utas ng tawa e ,, kahit nga akoy nagiisa dine sa aking kubakob e akoy hagalpak na ng tawa dine ,,, buti na laang kamo at wala akong kasama dine ,, sus ay kung meron at indi nakakintndi ng tagalog ay pihadong akoy pagtatawanan dine ,,ika namay ano gang nangyayari sa akin at bay ga akoy pum upunghalit ng tawa ,, d ga!!!!!ay salamt kabayan ha at akoy pinabasa mo nareng magandang kwentong are ng pangkal ,, ay bay ga nmn pangakal a ng tawag!!hahahahaha

  2. Richard Macalintal  

    July 21, 2010 at 5:30 PM

    anla..ako'y mauutas nga rin ng katatawa ng areh aking mabasa...hihihi

  3. riche  

    July 21, 2010 at 7:07 PM

    whahahahahah , kainaman areng kwentong are ni batang pangkal ,, aah mauutas ako ng pagtawa ei ,,sa totoo laang ako ei mahilig din kumain ng bahaw hindi na baga makapagsaing sa tanghali gawa ng peysbuk ,, hahahahah

  4. Anonymous  

    July 21, 2010 at 7:24 PM

    utas kami ng katatawa di'ne...kagaling din nga....salamat ng marami di'ne sa kwentong ipinasa mo...ingat kayo lagi....magandang araw sa inyong lahat...

  5. Anonymous  

    July 21, 2010 at 8:48 PM

    Ako'y taga-Batangas City at naintindihan kong lahat maliban sa isang salita. Ano iyong "sulyaw"? Hindi iyon ginagamit sa Batangas City.

    Salamat

  6. Anonymous  

    July 21, 2010 at 9:30 PM

    ako'y batangenyo kaya naiintindihan ko. nakakatuwa ang mga salitang purong tagalog na batangenyo laang ang nakakaintindi. kaya laang ho ang storya ay parang hindi kaaya ayang basahin. nakakaawa naman ang bata. hindi ho ganyan ang tamang pagsuheto sa isang batang sutil. kaawa awa naman ho. child abuse na ho iyan kung mababasa ng ibang hindi batangenyo. sabagay, ay halong kwento laang. pero kahit na.

  7. Richard Macalintal  

    July 22, 2010 at 1:46 AM

    kabayan, are naman ho ay kwentong kutsero laang, puro kathang isip lamang naman. ginawa naman are para batanggenyo laang ang makaintindi, sa palagay ko naman ay alam natin kung ano ang tama at mali. kaya nasa sa atin pa rin ang pagpapasya kung nais baga nating seryosohin ang nilalaman ng kwento.

    libangan lamang po are, walang intensyon na makapag impluwensya ng kahit anong negatibo sa makakabasa. palagay ko naman, sa 2000++ batanggenyo na pinadalhan ko, lahat naman ay napasaya ko maliban sa inyo....hihihhi

  8. jeh mercado  

    July 22, 2010 at 4:35 AM

    ay kainaman! ako'y igting n s pagtawa dine eh! haha! ay mahusay dn ang nkaisip ng kwentong are!

  9. gemegzky  

    July 22, 2010 at 10:28 AM

    anlaa naman. ay sadyang kahusay.ika nga eh,pag iyong napasadahan ng basa eh, sadyang bunghalit ang iyong tawa .Ay hindi ko nga mapigilan eh.

  10. gemegzky  

    July 22, 2010 at 10:29 AM

    anlaa naman. ay sadyang kahusay.ika nga eh,pag iyong napasadahan ng basa eh, sadyang bunghalit ang iyong tawa .Ay hindi ko nga mapigilan eh.

  11. Anonymous  

    July 22, 2010 at 8:06 PM

    ay pagkaka gling baga na gawa ni reng kwentong iyan

  12. Anonymous  

    July 23, 2010 at 9:32 AM

    ako bagay lumaki sa Batangas city pero nakalimutan ko na ang mga sali salita sa atin dahil mahigit na 30 taon ako nawala at namuhay na nga dineh sa Amerika kaya gusto ko na uling matutuo ng mga wika ng purong Batanggenyo para naman di ako magmukhang tanga sa aking pag reretiro diyan. maraming salamat Ka Karding Makalintal

  13. Anonymous  

    July 23, 2010 at 11:41 AM

    alay iyan ang napapala ng batugang masimor...meron yang kasamahan na kwentu ......ay ganire AT are ay mag ama....sabi ay .....

    tatay: ROCKY kung ikay nangangahoy!!

    rocky: ala pa naman areng tatay binata mangangahoy...hehehe

    tatay:sa hinayupak ka ...

    ng nagutom ang rocky umuwi ng tanghaling tapat .... gutom na gutom..TANONG SA AMA...tatay 'tatay tayo ga'y me ''BAHAW''at nadiyan pa ga yung galonggung....... sagot ng ama ''BINATA'' LALAMUN.....hahahahha

  14. Anonymous  

    July 24, 2010 at 5:11 AM

    salamat sa inyong mga kumento...hayaan ninyo at pag akoy di gahol sa panahon ay lagyan natin ng part2..o kayay ang batang pasal, hupyak ang tiyan...ke anonymous po..nuong panahon namin wala pong child labor at abuse...talagang aldabis,garute,asbar at nilagang agwanta..kapag ike pangkal lalo na sa mamay kong kastila...jayson ng batangas city...

  15. Anonymous  

    July 24, 2010 at 5:18 AM

    ke kabayan sa batangas city..yun gang sulyaw ay mangkok na lusa na pag naalis ang "enamel coating: eh labas ang kalawang kalimitan ay puti at may guhit na asul...ang kapatid nyan ay sartin...yung "mug" sa ingles.yan ang inuman at kainan namin tapos ang mesa ay latok...ayus ga?

  16. Anonymous  

    July 24, 2010 at 7:32 AM

    Para Ke Doc....me natapos akong kwento "Ang Punsyunan sa Batangas",nirerebesa (proof read )laang,pag ayos na eh ipo post ko..para ma pa irit ka sa tawa at maalala mong buhay batangenyo...jayson ng batangas city

  17. signtetha  

    July 25, 2010 at 2:42 AM

    ahahaha...kinamutaktakan ko sa ibang salita dine...? kahirap ga ng garneng hindi naman ako pinupulong ng papagay-an ng mga tao dine...sometimes lng..tagal n nun..sna magkaroon ng batangan dictionary..wew...;3

  18. Anonymous  

    July 25, 2010 at 5:09 AM

    Ka karding Makalintal: naipost ko na sir yung "Punsyunan sa Batangas at kung anu-ano ga!" sa Kwentong Batanggenyo...medyo napahaba...sana tumawa ulit kayong lahat...

  19. Anonymous  

    July 25, 2010 at 5:26 AM

    Ke kabayang signtheta: nag simula na akong mag kolekta ng salitang batangan, sa ngayun yung letrang A=94 salita na ho. at yung letrang B=240 at yung K = 136 salita na...at nadadagdagan pa araw-araw...yung ibang letra marami na rin...jayson ng batangas city

  20. Richard Macalintal  

    July 25, 2010 at 8:31 AM

    jayson...salamat sa iyong mga kwentong batanggenyo. pihadong kadaming napaumis sa kwento ng batang pangkal. sana'y maggawa ka pa uli ng mga kwentong batangan...

    mabuhay ka! add mo ako sa facebook at ng tayo'y magpangipangilala.

  21. Anonymous  

    August 14, 2010 at 6:26 AM

    ay sus, mauutas nga sa kttawa. cno ga at san galing ang kwentong i yan. masakit na ang aking panga at tiyan eh. lasa koy mauutot na. hahahaha

  22. Anonymous  

    September 14, 2010 at 9:03 PM

    ay, putragis ga nga iyan! nkakamiss nga nman ang Batangas eh!

    sana la-ang eh marami png blog n tulad nito ang mgpakita ng Unique and great culture ng ating bayan!

    proud to be!
    i salute us all!

  23. danny  

    September 25, 2010 at 10:31 PM

    ala eh, ang galeng nman, kahit binabasa lang eh puntung-puntong batangenyo p rin.


Batangas Dictionary